Pag-aabang sa Kundiman (2016)

Kundiman-header
Disenyo ng pabalat at aklat ni R. Jordan P. Santos

PHP220.00 • 6 x 9 in • 44 pp • ISBN 978-621-95158-3-2

Nagtuturo si Edgar Calabia Samar ng panitikan, malikhaing pagsulat, at kulturang popular sa Ateneo de Manila University. Lumaki siya sa San Pablo at kasalukuyang nakatira sa Marikina. Siya ang may-akda ng Janus Sílang Series at iba pang mga nobela.

* Pasasalamat sa Office of Research & Publications (ORP) ng Ateneo de Manila University at sa direktor nitong si Bb. Karen Cardenas na siyang naglathala ng unang edisyon ng aklat na ito.

** Pasasalamat din kina Caloy Diaz, Gigi Lopez Puno, Rafael Reyes, at Gavin Teng na tumulong upang mailathala ang librong ito.

Advertisement

Lunsad-aklat: Pag-aabang sa Kundiman

Kundiman_invite

Para sa unang paglulunsad-aklat ngayong taon, muling ilalathala ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) ang libro ng isa sa kanilang mga kasapi.

Ang ‘Pag-aabang sa Kundiman,’ isang koleksiyon ng mga tula ni Edgar Calabia Samar, ay ilulunsad sa Conspiracy sa Visayas Ave nang 6:30 NG sa 15 Marso 2016 (Martes). Naglalaman ang bagong edisyon ng mga guhit ni R. Jordan P. Santos.

Sa lunsad-aklat, hahandugan ang mga dadalo ng pagbasa ng mga tula, makikilala nila ang mga taong nag-ambag tungo sa paglalathala ng libro, at mabibili nila sa mas mababang presyo ang libro: PHP180 (mula PHP220). Bukod pa rito, naghanda ang may-akda ng espesyal na raffle—maaaring makapanalo ng iba pang libro ang mga bibili. (Tingnan sa edgarsamar.com ang mga detalye.)

Ang LIRA ay isang samahan ng mga makatang nagtataguyod ng panitikan at wikang Filipino. Ang Librong LIRA ang kanilang pampublikasyong sangay. Makipag-ugnayan sa kanila sa libronglira@gmail.com.