Pag-aabang sa Kundiman: UP Baguio (9 Abril)

egay-upbaguio.png

Bilang pagdiriwang sa Buwan ng Panitikan ngayong Abril, aakyat ang Librong LIRA kasama si Edgar Calabia Samar sa Baguio para sa dalawang gawain: isang pagbisita ng awtor sa Mt. Cloud Bookshop at dalawang panayam sa UP Baguio.

Ang dalawang panayam, na papaksa sa Pagsusulat ng Tula at Pagtuturo ng Kontemporaneong Panitikan, ay gaganapin nang 2-4 NH, 9 Abril 2016 (Sabado), sa University of the Philippines Baguio College of Arts and Communication Room B101. Maisasagawa ito sa pakikipagkatuwang ng UP Baguio Literati.

Ang parehong gawain ay libre at bukás sa publiko. Para sa mga katanungan, maaaring makipag-ugnayan sa libronglira[at]gmail.com o sa 0927-3824716.

Tungkol sa tagapanayam
Nagtuturo si Edgar Calabia Samar ng panitikan, malikhaing pagsulat, at kulturang popular sa Ateneo de Manila University. Lumaki siya sa San Pablo at kasalukuyang nakatira sa Marikina. May-akda siya ng maraming nobela at ng Pag-aabang sa Kundiman: Isang Tulambuhay.

Advertisement