Ang Librong LIRA

Ang Librong LIRA ang sangay ng LIRA na naglalayong linangin at payamanin ang panitikan at wikang pambansa sa pamamagitan ng paglalathalang nakaukol sa tulâ at pagtulâ.

Ang LIRA (Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo) ay samahan ng mga makata na nagsusulat, nag-aaral, at nagsisilbi sa wikang Filipino. Itinatag ang LIRA noong 1985 ni Virgilio S. Almario, Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan. Taon-taon, nagsasagawa ang samahan ng klinikang pampanulaan na bukas sa lahat ng interesado sa tulâ at pagtulâ ng Filipino.